. . . Dear Sir Edmon . . .
Happy Retreat po sir! =)) muwahahahahaha
Kamusta na kayo diyan sir? Enjoy ba? Ahaha :))
Una sa lahat, pasensya po sa lahat ng mga pagkukulang ko bilang miyembro ng Kruhay nung huling taon ko sa CSA bilang isang H.S. student. Sorry po talaga :(
Pero nagpapasalamat po ako sa tiwala na binigay niyo sa akin, kahit baguhan lang po ako. Salamat po sa pag-eexpose sa akin sa mga experiences na sigurado akong hinding-hindi ko mapupulot sa kung saan-saan lang. Sobrang naging masaya po ako nang naging member po ako ng Dulaang Kruhay, hindi lang po dahil sa mga mababait na kasapi nito, pero dahil din sa inyo!
SUPAH-SURE ako na napakaraming magsasabi ng “Thank you” sa iyo. Ahaha, paano ba naman kasi, napakamatulungin niyo. Kayo ata yung unang taong nagsabing sa akin na kahit busy kayo, maghahanap kayo ng kahit unting oras lang kapag problemado yung kaibigan niyo, para lang matulungan siya. Nainspire po ako dun, ahaha. Tska sinabi niyo po sa akin na kahit mga kaibigan niyo mula sa grade school ay ka-close niyo pa rin, dahil naghahanap kayo ng paraan para magkaruon ng means of communication sa kanila. Tama nga na kapag ‘gusto, may paraan. Kung ayaw, may dahilan.’ Dahil dun, tinuruan mo kami na wala talagang makakapaghadlang sa aming magkakaibigan kung gusto talaga naming manatili bilang malapit na magkakaibigan. Ahaha, dahil po sa inyo, nagkaruon kami ng pag-asa, na at least posible nga talaga . . . ^_^
At lagi ko rin naririnig (at nakikita sa status niyo po sa Y!m) na kapag hindi na talaga kaya ay kay Bro na po kayo humihingi ng tulong. Reminder iyon sa amin na wala naman talaga tayong dapat ikabahala, kung magtitiwala lang tayo sa Kanya, at maniniwalang hindi Niya tayo ipapahamak. Sir, salamat sa mga bagay na iyon na tinuro niyo sa akin! Salamat dahil kelanman, hindi ko po naramdaman na nangiwan kayo sa ere :D
Kahit ano mang gawin ko sa buhay (Maging engineer man, o taong teatro, writer o kahit sa sex…), gagawin ko yung best ko, ahaha, inspirasyon ko kayo (Nax! XD) Dahil po sa inyo, nagbago po talaga ako. Nahihirapan talaga ako maging mature, pero dahil sa 1 academic year na nakasama ko po kayo, napakalaking tulong na iyon para sa akin. Salamat, salamat po talaga sir!
Salamat po sa pagtuturo at paggagabay sa akin para maging isang ganap na aktor.
Salamat po sa pagtuturo sa akin kung paano mag move on, kung paano mahalin at pahalagahan ang sarili ko.
Salamat po sa pagtuturo sa akin na maging mas responsable, at sa (kahit papano) kung paano bumihis ng tama, malinis, at matino.
Salamat po sa pagtuturo sa akin ng importansya ng __________ gamit ang kamay ^_^
Salamat po sa pagtuturo sa akin na hindi maganda ang maging OA sa mga sikreto.
Salamat po sa pagtuturo sa akin na respetuhin ang aking mga magulang at mga kababaihan.
Salamat po sa pagtuturo sa akin na pahalagahan ang bawat minuto kapag nagtatrabaho upang matapos agad ang gawain.
Salamat po sa laging pagpapaalala sa amin na importante ang aming pag-aaral.
Salamat po sa pagtuturo sa akin na MAS importante ang mga staff kesa sa mga aktor.
Salamat po sa pagtuturo na dapat hindi tayo magsawang maghanap ng panahon para sa ating mga kaibigan.
Salamat po sa pagtuturo sa akin na dapat pahalagahan ang sariling bayan, kahit marami itong problemang hinaharap.
Salamat po sa pagtuturo sa akin na dapat may kahulugan/importansya ang mga bawat bagay na ginagawa natin, mapa sa teatro o sa simpleng araw-araw na gawain.
Salamat po sa pagtuturo sa akin na kelanman hinding hindi ko pwedeng gawin ang “THE BEST”, dahil parang pinagkait ko na rin ang pagkakataon sa susunod na henerasyon na gumawa, dahil wala nang saysay kung nagawa na ang “THE BEST”
Salamat po sa pagtuturo sa akin na kapag wala nang mawawala, dapat nang gawin ang lahat, at dapat ang mga opurtunidad na dumaraan ay dapat samantalahin.
Salamat po sa pagtuturo sa akin na kapag alam kong ako ang nasa tama, pwede ko ‘tong ipaglaban.
Salamat po sa pagtuturo sa akin na dapat hindi ko pinalalagpas ang bawat opurtunidad na dumadaan sa akin, na dapat ko yung galangin at pahalagahan dahil ipinagkatiwala nga iyon sa akin.
Salamat po sa pagtuturo sa akin na masyadong maikli ang buhay para maging depress lagi, dapat i-enjoy ito.
Salamat po sa pagtuturo sa akin na oras na para magkaruon ng isang mature na pananaw pagdating sa pag-ibig.
… at sa lahat-lahat ng mga hindi ko pa nababanggit, salamat, salamat, salamat, SALAMAT!!! :D
Kahit saan po kayo mapunta, nasa inyo ang mga dasal ko na sana lagi po kayong maging safe, masaya, at manatiling malakas ang loob. Grabe, paulit-ulit kong nakita firsthand kung paano hinarap ng isang matapang at kampanteng Sir Edmon ang mga halos napakaimposibleng mga deadline at tasks, gamit ang walang humpay na tiwala kay Bro na hindi Siya iiwan Nito magisa :)) Kahit marami na kayong problema, nakakatuwang isipin na hindi niyo po inisip na kakayanin niyo ‘to magisa. Humble po kayo na humingi ng tulong kahit sa amin. Ang isang taong kilala namin bilang isang napakatalinong tao na napakaraming alam sa iba’t ibang aspeto ng buhay (Mas lalo na sa sex ^_^), magshe-share sa kanyang mga estudyante? Ang isang napakatalinong tao, hihingi ng advice sa mga tinuturuan niya? Dito mo pa lang makikita na pag uwian na hindi lang “estudyante” ang tingin niyo sa amin Sir, pero naramdaman namin ang tiwala na tanging mga kaibigan lang ang nagbibigay. Thank you Sir, thank you po talaga!
Hindi lang po kayo matalino, pero gwapo pa (Sige na, aamin na, bawal naman atang hindi eh XD =)) ) Napakaepektibo niyo pong moderator, at napaka considerate pa po sa ibang grupo ng CPACS. Marunong po kayong magpahalaga ng mga taong naging bahagi ng mga tagumpay at paghihirap niyo.
Ahaha, hinding hindi ko po malilimutan yung mga chat natin nung summer po bago yung pasukan ko sa 4th year sa CSA: yung pinaguusapan pa natin si Ara, ahaha… Tapos sinabihan niyo ako na mag move on na XD At dapat hindi ko na ibring up sa mga usapan iyon kung “tapos na” ^_^
Hindi ko rin po malilimutan yung pagpayag niyo na humabol ako sa Neon Uno at Dos kahit late po ako dumating sa practice ng hapong iyon dahil sa contest ko. Hindi ko po malilimutan yung pagsama niyo sa akin sa planning ng Le Anima :D. Hindi ko po malilimutan yung Le Anima, ahaha, St. Nicholas si Enore =)) tapos nung TDR ng Le Anima wala yung mga sutana dahil hindi ko pa nakukuha :D. Hindi ko po malilimutan yung mga sobrang nakakalokong pagsisigaw niyo tuwing nagkakalat / natataranta na kami sa practice. Hindi ko po malilimutan yung nakakalokong tawa niyo. Hindi ko po malilimutan yung Maskara Fest, nung nakita ko po kayo sa harapan ng audience na tawa ng tawa. Naramdaman ko po dun ang matinding suporta niyo sa akin, naramdaman ko na kaya ko palang abutin yung mga bagay na akala ko dati hanggang pangarap lang. Ahaha, kahit 3 segundo, napatawa ko si Sir Edmon :P Ang gusto ko lang naman nung nagKruhay ako ay mabilib kayo sa akin eh, ahaha, tapos pini-em niyo ako nung gabi na natuwa talaga kayo sa akin, ahaha. Sobrang tuwang-tuwa ako, ahaha... .Tapos sinabihan niyo kami na yun ang the best Maskara Fest na naranasan niyo. Sobrang natuwa kami, ahaha!
Hindi ko po malilimutan na lagi niyo akong sinasabihan na ang untidy ng buhok ko, kaya nga ngayon tinatry ko na laging mukhang malinis to. Hindi ko rin po malilimutan na sinabi niyo sa akin na bagay yung mga semi-fit na shirts sa akin, kaya gus2 ko ring magpalaki ng katawan. Hindi ko po malilimutan na sinama niyo ako sa “planning ng Alpha and Omega” (XD =)) wahahahaahah…..) hindi ko malilimutan kung gaano kayo ka concern sa mga isyung natatalakay ng mga dula at produksyon ng Kruhay, at kung paano niyo kami tinuturuan ng mga lesson tungkol dun. Hindi ko malilimutan na dapat pag-aralan ang mga facts about dun sa gagawing play o produksyon. Hindi ko malilimutan nung birthday niyo, kayo pa ang naunang nagpasalamat sa amin, tska binigyan niyo kami ng pebble :D. Hindi ko makakalimutan yung mga times na nagka-CAPS LOCK kayo =)). Hindi kop o malilimutan yung mga times na niloloko/ginagaso niyo yung mga taong nakakasama natin sa mga pampublikong lugar. Hindi kop o malilimutan yung mga gm niyong nagpaparinig, para maturuan kami ng leksiyon. Hindi ko po malilimutan nung nagkwento kayo sa amin nung experience niyo sa PNU nung may disco tapos umuwi kayong taeng-tae na kayo. Hindi ko po malilimutan kung gaano ako naasar kasi magaling kayong pumorma at magdala ng damit > < . Hindi ko po malilimutan yung nagpa TDR kayo sa amin kaagad, kahit unti pa lang time ng practice naming, kasi hindi kami nagkakabisado ng script. Tapos nung unang TDR ng Terroristang Labandera, binato niyo yung script sa sahig, hahaha… Di ko po malilimutan kung gaano niyo iniisip na makapagpahinga naman kami after ng isang linggong mahirap na training, or after ng isang nakakapagod na produksyon. Hindi ko po malilimutan yung pagganap niyo sa “Ang Paglilitis Ni Mang Serapio.” Hindi ko malilimutan ang mga simpleng mensahe na binibigay niyo kada tapos ng mga dula. Hindi ko makakalimuta yung pinag-iisip niyo po kami ng plano, tapos makakaisip po kayo ng mas magandang plano, tapos yung naisip niyo yung pag-aagrihan namin kasi yun rin yung naisip naming maganda (Plan E XD =)) ) Hindi ko po malilimutan yung unang beses na kumain ako sa Tokyo! Tokyo!, kayo po kasama ko nun, ahaha.. Nilibre niyo ako ng Sumo meal. :D Tapos nakwento niyo po kung paano kayo sinulatan ng kuya ni Neil Enore ng isang tula na sobrang nagustuhan nyo, dahil bukod sa napaka artistic ng pagsulat, nadedescribe ka raw nun.
Hindi ko po malilimutan kung paano niyo nabuko yung tinatago kong sikretong crush kay Aira dati, ahaha… Tapos ibubulgar mo na sana, pero nakipag deal ka sa akin na kung makakapag download ako ng 50 Enigma songs and 50 Enya songs, hindi mo ibubuko. Nagawa ko nga, at hindi mo nga binuko… Pero natripan niyo akong asarin nung birthday ni Michelle =)) Pero nagpapasalamat po ako sa lahat ng suporta, leksyon at pagsusubaybay niyo sa akin nung mga panahon na si Aira pa yung crush ko. Nagpapasalamat ako sa napakalaking pabor na binigay niyo sa akin, nung hiniling mo bilang kapalit ng isang araw sa buhay niyo na maintindihan ni Aira na gusto ko lang talagang makipagkaibigan sa kanya ule. Hindi ko na talaga alam yung gagawin ko nun, pero salamat po talaga. . . ^_^ Naging magkaibigan na po kami ule, at promise: aalagaan ko po si Aira. Hindi ko sasayangin yung isang araw ng buhay niyo.
Hindi ko malilimutan yung mga panlilibre niyo sa akin, yung mga fudtrip natin, tapos late na ako umuuwi XD Ahaha, sooobrang mamimiss ko yuuun, ahaha… Mga gala sa gitna ng linggo, daan munang ministop, tapos kakain ng kung anong matripan =)). Yung isa sa mga last nung nasa ministop tayo at kumain tayo tapos inaasar niyo kami ni Iella. Hindi ko malilimutan nung nag Christmas shopping tayo :)) Pati po nung nag kung ano anong extreme at uber saya na mga laro yung ginawa natin sa Festi.
Hindi ko po malilimutan yung nag “Thank you” kayo sa amin nung Gawad Alab. Isang beses niyo lang ako sinabihan, pero naramdaman ko na yung lahat ng nangyari nung taon, ahaha… Kayo pa ang nag thank you sa amin . . . Hindi naming mararating ito, kung nasaan man kami ngayon, kung hindi dahil sa inyo. Kung hindi niyo kami chinachallenge, kung hindi niyo kami sinuportahan at sinubaybayan, kung hindi niyo kami laging tinetext, chinachat at sinasama sa mga gala.
Tapos na ang panahon ng 5th batch, 6th batch na. Sana hindi po kayo magsawa na maging “SIR EDMON” na nakilala namin. Ahaha, sana mapasaya niyo rin sila, at sana mabigyan niyo rin po sila ng isang hindi malilimutang experience sa buhay nila. ^_^
Magla-La Salle na ako, haha-haizzz. Wala nang Sir Edmon dun. Sobrang mamimiss ko yung mga kaibigan ko sa CSA. Wala nang Preschool building na dadaanan pag-uwi, wala nang opisinang bibisitahin (Opisinang parang dinaanan ng bagyo…. Kada linggo…) Sobrang strict na sina Ma at Dad, nanghihinaan na ako ng loob kung makakabisita pa ba ako sa Kruhay. Takot akong lumabas ng campus nun nung graduation, kasi ang dami ko pang hindi napapasalamatan, ang dami ko pang ayaw iwan, ang dami ko pang gustong mabati, ayoko pang matapos na ang lahat. Para akong tanga, naniniwala akong tapos na nga ang lahat.
Tapos buti na lang at nadaanan ko kayo sa office niyo, kinorek niyo ako. “Walang goodbyes, ‘see you next time’”
Parang gumaan yung luob ko, parang na feel ko na kakayanin ko nang lisan ang CSA, at iwan ang buhay hayskul. Kayo po ang nagpagaan ng luob ko, at nagbigay ng lakas ng luob sa akin para maging isang estudyante sa kolehiyo.
UBER nagpapasalamat ako na KAYO ang naging moderator ko kahit at least for 1 year sa High school life ko! I-expect niyo po na mas lalo ko pang pagiibayuhin ang pag-aaral sa college, ahaha.
The world is so big with so many strangers, that it’s so easy to be lost, and to lose our friends. It’s amazing how people try to make it so small that they can be with their buddies always.
Distance matters so little when the person means so much.
I think what makes Dulaang Kruhay different from other groups is not the fact that it’s a theatrical group.
Ahaha, sa tingin ko po nasa moderator yun. ^_^ At sa kakaibang paraan niya ng pagpapalabas ng tunay na kakayahan ng kanyang minamahal na mga kasapi.
Opo Sir,TUNAY na naramadaman naming ang pagmamahal mo sa amin.
Ngayon, oras naman para maramdaman mo na mahal na MAHAL ka rin naming lahat!!! :D
MORE POWER TO YOU, God bless, and ingatz lagi, Sir Edmon!. TUGSH!!!!!!! XD
See you next time, Sir ^___^
Francis Ray “haynaku_talaga” C. Quintana

No comments:
Post a Comment